Saturday, August 13, 2011

Mandarambong!

Eksena sa Jeep with a friend sa kalasan ng ulan....

Me: Mama para! (sabay baba ng jeep)

Manong Driver: (Pasigaw) Miss, miss.. nagbayad na ba kayo?

Me: Opo manong, twenty pesos binayad ko sinuklian mo pa ako ng apat na piso.

Manong Driver: Hindi pa yata eh.

Friend: Bayad na manong, ako ang nag-abot sa inyo!

Manong Driver: Kung nagbayad kayo matatandaan ko!

Me: (Starting to get annoyed!) Sige po, para walang gulo, magbabayad na lang po ulet kami

Manong Driver: "Wag na inyo na! (Sabay pahaharurot ang jeep and sabay sigaw) "Mga mandarambong!"

Friend: (sumigaw din) "Eh abnormal ka pala eh, ikaw ang mandarambong."

Miron trike driver: Dapat nireresbakan ang mga ganyan eh! (sabay ngisi)

Friend: Eh di cge, abangan mo, resbakan mo, nakikisali ka pa eh

Me: Natawa na lang...nauhanahan na ako sa pagta-tantrums eh!

No comments:

Post a Comment