Isa sa mga katangian nating mga Filipinos ang pagiging magalang sa ating mga kababaihan at nakakatanda. Pangkarinawan ng kaugalian ng mga kalalakihan ang pagbibigay ng kanilang upuan sa mga nakakatanda at kababaihan sa mga pampublikong sasakyan gaya ng bus at jeep.
Well hindi na ngayun.. hindi na yata uso sa ngayun ang gentleman! Oo tanggap ko na! Madalas punuan ang bus na sinasakyan ko at may mga pagkakataon na "standing" din ako mula los banos hanggang calamba.. mas madalang pa sa mga honest na politiko ang mga instances na may nagpapaupo sa akin.. ok lang yun, kaya ko pa naman tumayo.. im only 35, kahit pa nga sabihin na sobrang bigat ng bag ko ( syempre mini aparador ko nga yun and how can i forget the laptop, charger, mouse etc aside from the usual kikay stuff, cologne, hair plantsa etc.) at 3-inches ang heels ko.. cge na, ok na.. tanggap ko na na konti na lang talaga ang gentleman sa mundo..
pero UTANG NA LOOB! sana naman kapag senior citizen or buntis na ang nakatayo, paupuin nyo na. mga anak kayo ng nanay nyo, imagine na lang kung lola, lolo, nanay, tatay or mga asawa nyong buntis ang nakatayo mula los banos hanggang makati.. nde ba kayo maba badtrip????
meron dyan nagtutulog-tulugan, meron din nakikiramdam kung kaya mo pa, meron din naman na likas lang yatang manhid at walang pakiaalam sa mundo. well.. SMB kayong lahat! style nyo bulok!
and to the bus companies naman, sana you make a policy to have reserve seats for seniors and pregnant women (alangan naman pregnant men diba...syempre babae kaya nga buntis)...
hainaku... wala na talaga yatang gentleman... tse!
No comments:
Post a Comment